Showing posts with label loving. Show all posts
Showing posts with label loving. Show all posts

Sunday, August 7, 2011

akap pa


Tila hindi ko na nababanaagan pa
ang ngiti sa iyong buwang maganda.
Malalim, tila sadyang kay lalim
yaong tinatantong lihim.
Nais bang talakayin pa?
O sadyang pagniniig ay kulang na
upang yaong sakit, yaong hapdi -
yaong mga luha’y tuluyang mapawi?

Kinikimkim, iniipo’t niyayakap mag isa,
subalit batid kong hindi na kaya pa.
Lumuha ma’y di na bumibitaw -
ang hapdi ay sadyang hayok, uhaw.

Batid kong nais mong lumaya,
nais mo’y minsan pa’y lumigaya.
Subalit, bakit sadayang kay hapdi, kay pait
sa tuwing ika’y madadarang, malalapit
sa ligayang, hatid sa takipsilim ay hapdi.

Nais mong muling ngumiti, sumaya.
Ngunit sadyang hirap kang bitawan na
- mga alaala’t kupas na larawan nya?
Kay hirap limutin, bumitaw pa
sa kahapon at mga bukas na sadyang wala na.

Nasi mo lang ibigin, at muling sumayaw.
Ngunit bakit sadya atang ang puso
Sa lipas na kahapon, di nais bumitaw?
Nais mo lang mahalin.
Nais mong magmahal,
Subalit yaon ay di magagawa
kung ang kahapon ay akap pa,
at kung sa sariling multo’y di lalaya.

----
Daybreak. 8/8/11
Brent Tzu



Wednesday, July 6, 2011

MUNTIK [episode1.gitara]

Hindi ko alam kung bakit dinala ako ng mga paa ko ngayon dito.

Akalain mo yun, apat na istasyon din to mula sa bahay ah, muntik pa nga akong malingat, kung nagkaganun, sa Baclaran ang baksak ko.

Pero ano pa bang magagawa ko, heto’t nakaporma na, edi ituloy. Sayang din ang bagong Tshirt na binuhusan pa ata nila Mikel ng pabango’t halos malipat na sa case ng gitara ang amoy ko. Syempre pa, supportive sila. Matagal tagal din kaming nagkasama-sama sa Ateneo, hayskul pa lang tropa na kami.

Nakakatawa nga, sa LRT naisip ko dalwang taon na din pala yun. Mula nang mag USTE ang lokong yun, di na nagparamdam. Ni hindi man lang nagpoPoke sa Facebook. Huli kong kita sa kanya kasama nya si Abet sa Greenbelt. Buti pa silang dalawa, sa aming lima sila lang napahiwalay, at mukhang tumino. Pero sabagay, mula pa naman nung hayskul sila na yung pair, pareho kasing lalambot lambot. Kami naman nila Mikel at Nico ang angels nila, mga tagapagtangol daw. Parang tanga nga lang mga tao nun, pati kami pinagdududahan. Bakla daw kaming lima. Asar na asar ako nun, hindi naman nagbibihis babae si Drei, lalo na si Abet. Malambot, oo, pero hindi naman naging issue yun sa tropa. Mula nung freshman year kami, kami na ang tropa eh, although, kami ni Drei since fourth grade pa; tsaka wala naman akong nakitang mali.

Mas lalo ngayon, alam ko wala namang mali, lahat naman ng tao may karapatang magmahal at mahalin. Bakit ba kasi natakot ako nun…

Senior year nung unang nagparamdam si Drei, dyahe talaga yun. Nahihiya ako lalo’t pag may mga ibang nakakarinig. Sabi nya, pinopormahan nya daw ako, parang tanga.

Akala ko nun, biruan lang yun…
Pero bakit ganun…

Ewan, basta eto na to.

(Kumatok sa Unit nila Drei)

Drei: Sandali, sino yan?

‘Jason ‘to’ sabi ko.

Drei: O, himala, bakit andito ka, anything?

‘Basta makinig ka’
Sabay yapos sa gitara at hinanap ang mga nota…

‘May sikreto akong aaminin sa’yo
Mayroong nangyaring hindi mo alam.
Ito’y isang lihim, itinagong kay tagal…
Muntik na kitang minahal…
Ngayon ay aaminin ko na,
na sana nga ay tayong dalawa,
mga tanong mo’y iniwasan ko,
akala pagibig mo’y di totoo.
Di ko alam kung anong nangyari,
pag-ibig ko sa’yo’y di ko nasabi…’

Matagal tagal na katahimikan ang bumalot sa amin,
hanggang may mga salitang lumabas sa bibig ko ...

'mahal na kita Drei'

***
To be continued…

Tuesday, January 18, 2011

talking to the moon

I was searching for potential materials for my video for the upcoming love rendezvous when i encountered this picture.



wala lang, naalala lang kita :p

Tuesday, September 28, 2010

awake

Just when I thought loving you is without a solution,

awake, I started to dream…

new mornings with you, I pray.

Memories to last a lifetime

and forever in a day.

Never shall sunshines and moonlights end.

Reason shall fade, worship invade.

Oh all these I pray.

Just when I thought I’d never love again,

awake, I started to dream…

you and me – new mornings it’ll be.

Call me crazy, call me vain, but

oh, one love, your one love I pray.