Sunday, August 7, 2011
akap pa
Tila hindi ko na nababanaagan pa
ang ngiti sa iyong buwang maganda.
Malalim, tila sadyang kay lalim
yaong tinatantong lihim.
Nais bang talakayin pa?
O sadyang pagniniig ay kulang na
upang yaong sakit, yaong hapdi -
yaong mga luha’y tuluyang mapawi?
Kinikimkim, iniipo’t niyayakap mag isa,
subalit batid kong hindi na kaya pa.
Lumuha ma’y di na bumibitaw -
ang hapdi ay sadyang hayok, uhaw.
Batid kong nais mong lumaya,
nais mo’y minsan pa’y lumigaya.
Subalit, bakit sadayang kay hapdi, kay pait
sa tuwing ika’y madadarang, malalapit
sa ligayang, hatid sa takipsilim ay hapdi.
Nais mong muling ngumiti, sumaya.
Ngunit sadyang hirap kang bitawan na
- mga alaala’t kupas na larawan nya?
Kay hirap limutin, bumitaw pa
sa kahapon at mga bukas na sadyang wala na.
Nasi mo lang ibigin, at muling sumayaw.
Ngunit bakit sadya atang ang puso
Sa lipas na kahapon, di nais bumitaw?
Nais mo lang mahalin.
Nais mong magmahal,
Subalit yaon ay di magagawa
kung ang kahapon ay akap pa,
at kung sa sariling multo’y di lalaya.
----
Daybreak. 8/8/11
Brent Tzu
Labels:
brent tzu,
LOVE,
loving,
ready to love again
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment