Wednesday, July 6, 2011

MUNTIK [episode1.gitara]

Hindi ko alam kung bakit dinala ako ng mga paa ko ngayon dito.

Akalain mo yun, apat na istasyon din to mula sa bahay ah, muntik pa nga akong malingat, kung nagkaganun, sa Baclaran ang baksak ko.

Pero ano pa bang magagawa ko, heto’t nakaporma na, edi ituloy. Sayang din ang bagong Tshirt na binuhusan pa ata nila Mikel ng pabango’t halos malipat na sa case ng gitara ang amoy ko. Syempre pa, supportive sila. Matagal tagal din kaming nagkasama-sama sa Ateneo, hayskul pa lang tropa na kami.

Nakakatawa nga, sa LRT naisip ko dalwang taon na din pala yun. Mula nang mag USTE ang lokong yun, di na nagparamdam. Ni hindi man lang nagpoPoke sa Facebook. Huli kong kita sa kanya kasama nya si Abet sa Greenbelt. Buti pa silang dalawa, sa aming lima sila lang napahiwalay, at mukhang tumino. Pero sabagay, mula pa naman nung hayskul sila na yung pair, pareho kasing lalambot lambot. Kami naman nila Mikel at Nico ang angels nila, mga tagapagtangol daw. Parang tanga nga lang mga tao nun, pati kami pinagdududahan. Bakla daw kaming lima. Asar na asar ako nun, hindi naman nagbibihis babae si Drei, lalo na si Abet. Malambot, oo, pero hindi naman naging issue yun sa tropa. Mula nung freshman year kami, kami na ang tropa eh, although, kami ni Drei since fourth grade pa; tsaka wala naman akong nakitang mali.

Mas lalo ngayon, alam ko wala namang mali, lahat naman ng tao may karapatang magmahal at mahalin. Bakit ba kasi natakot ako nun…

Senior year nung unang nagparamdam si Drei, dyahe talaga yun. Nahihiya ako lalo’t pag may mga ibang nakakarinig. Sabi nya, pinopormahan nya daw ako, parang tanga.

Akala ko nun, biruan lang yun…
Pero bakit ganun…

Ewan, basta eto na to.

(Kumatok sa Unit nila Drei)

Drei: Sandali, sino yan?

‘Jason ‘to’ sabi ko.

Drei: O, himala, bakit andito ka, anything?

‘Basta makinig ka’
Sabay yapos sa gitara at hinanap ang mga nota…

‘May sikreto akong aaminin sa’yo
Mayroong nangyaring hindi mo alam.
Ito’y isang lihim, itinagong kay tagal…
Muntik na kitang minahal…
Ngayon ay aaminin ko na,
na sana nga ay tayong dalawa,
mga tanong mo’y iniwasan ko,
akala pagibig mo’y di totoo.
Di ko alam kung anong nangyari,
pag-ibig ko sa’yo’y di ko nasabi…’

Matagal tagal na katahimikan ang bumalot sa amin,
hanggang may mga salitang lumabas sa bibig ko ...

'mahal na kita Drei'

***
To be continued…

1 comment:

  1. hmm.. love love love... im sleepy na.. hehe :)sige, aabangan ko kasunod...

    ReplyDelete