Tuesday, January 11, 2011

STRICTLY NOT FOR YOU!

Batid kong hindi ito ang huli kong pagsulat tungkol dito…
Sa totoo lang, mahirap gumawa ng pyesa ukol sa gantong bagay, iniisip ko pa nga lamang, nalulungkot na ako. Pero para sa’n pa ba ang itangi ang mga magaganap…

Ganun nga tila talaga…
may pagbungad…
at paglisan.

kaya…

Sa bawat kamay na nakadaupang palad…
Sa bawat paang nakasabay, mga labing na kaniig,
mga matang kasamang lumuha’t tumawa
sa bawat balikat na nakaakbay, naiyakan…
sa bawat bisig na nakayakap, niyapos…
sa bawat likod na nasandala’t sumandal…

sa bawat pusong nakasamang tumawa…
salamat…
at hanggang sa muli.

sa bawat hagikgikan,
sa bawat tawanang malutong,
sa trip na malupit, sa mga trip na binasag, sinakyan…
sa bawat luhang pinakinggan, inintindi…
sa bawat pagniniig, asara’t kung ano anong daldalan…
sa bawat ibinahaging tawa, iyak at simpleng salita…
salamat…
at sa uulitin.

Sa bawat nakaTONG-ITs, nakaSCRABBLE…
Sa bawat nakasamang manood ng showtime…
Sa lahat ng kasamang kumain sa kung saan saan,
Sa mga nakaagawan sa bawat kainan sa opis…
Sa bawat nakasigawan, nakatampuhan…
Sa bawat napagkamalang Client lang…
Sa bawat naHOTseat
Sa bawat nalibre’t inilibre, bukal man o napilitan…
Sa lahat ng nakaagawan ng throw pillows,
Sa lahat ng pasimpleng nagPrint sa office…
sa bawat kasamang nagOVERTIME, para tumambay…
Sa lahat ng nakasama sa pictorials, invited o hindi…
Sa lahat ng pasimpleng nag faFACEBOOK…

Salamat…
at mamimiss kita…
kayo, mamimiss ko yung tayo :|

1 comment:

  1. haha.. natawa naman ako sa iba lalo na a pasimpleng pagpri-print at pagfe-facebook..

    hindi ko pa alam ang sasabihin kasi siguro ayoko pa ngang simulan ang babay-an.. looking forward nalang to more overtimes and random happy moments with you in and out of the office.. kahit busy ka, sana.. :) ikaw din, di mo masusubaybayan ang love story namin ni anesh. hahaha, kems.

    HUG >:D<
    more cr breaks to come. ;)

    ReplyDelete