Sawang-sawa ka na ba sa mga "Friends" na hindi mo naman kilala? Sa pagla-"Like" ng mga walang kwentang post at pag-"Hehe" sa mga comment na hindi naman nakakatawa? Sa mga taong puro lang pa-picture sa Eiffel Tower, Stonehenge, at Statue of Liberty; puro Tweet kung saang... restaurant sila nagka-kape, saang conference sila galing, at ano ang pinakabagong application sa iPhone nila; at puro update kung gaano ka-cute ang pang-siyam nilang panganay, kung ano ang suot ngayon ng chihuahua nila, o kung gaano kasalimuot ang "It's Complicated" nilng relasyon? Sa mga litratong walang kinalaman sayo pero naka-"Tag" ka? Sa mga video ng taong naputol ang katawan, sumabog ang ulo, at lumuwa ang bituka? Sa hindi maintindihang shoutout ng mga Jejemon at hindi maunawaang status update ng mga emo na kulang sa pansin? Sa Friend Requests, Friend Suggestions, Page Suggestions, Pokes, Events, Links, Mafia, Farm, Dog, Fish, Cat, at Zoo na aksaya lang naman talaga ng pera, oras, lakas, at bandwidth? Sawang-sawa ka na ba??? Kung hindi pa, apir! Yo da man.
Hi Kuya Brent! This is Apple of SV6 :)
ReplyDeleteHaha. Apir! 'Di naman po kasi magandang pagsawaan ang mga bagay na kahit anong gawin natin ay hindi mapigil mangyari. Minsan ay nakakainis pero mabuting tanggapin na lang na may mga tao talagang iba rin ang trip kumpara sa'tin. :D
hi apple :')
ReplyDeleteyeah,
tama talaga, sabi nga nila...
kanya kanyang trip lang yan.
btw, i'm following your blog na din..
ps imma help promote your site...
paki din nito, bago eh, hehe...
kisses.
hmm.. di ako makakarelate dyan kasi wala naman akong ibang mundo kundi ang blog.. since nag eenjoy naman kayo, di hala, sige lang..
ReplyDeletehmm..