Sunday, July 25, 2010

ballpen (s)

Matagal tagal na rin nang una akong sumulat; hindi ko na nga matandaan kung ano ang mga nabuo ng mumunti kong mga kamay o kung may nabuo man lang ako, ang alam ko lang nagsulat ako. Hindi ko na rin tanda kung lapis ba na pagkalaki-laki o crayola ang unang mga pansulat sa nagamit ko; basta ang alam ko may ipinang-sulat ako.

People come and go. Ilang beses na rin akong nawalan ng mahal sa buhay, ilang beses na rin akong naiwan, iniwan, minsan ako mismo nang iwan; pero bakit para din silang mga ballpen o lapis o crayola o kung ano pa man, hindi ko na sila ganap na naaalala pero alam ko sa puso ko, minsa’y nagsulat akong kasama sila.


Marami-rami’t mahaba-haba na din ang kwento ng aking buhay; hindi ko na halos matandaan kung paano ko ito naisulat pero tandang tanda ko pa rin ang mga taong nakasama kong nagsulat nito. Para sa akin mga ballpen sila; kahit na ang iba’y naubisan na ng tinta, ang iba’y nahiram na ng ila’t hindi na nakabalik, ang iba’y nawala ko na lang ng hindi namamalayan pero marami sa kanila narito pa rin; paminsan-minsa’y nakakasama pang magsulat. gtec, parker, pilot, uni, panda, faber castel, crayola, monggol; alex, ivan, janet, kokkie, mama, ate jean, joey, vhanny, marcus, bosing, james, raffy … marami-rami na sila, mahirap ng tandaan sa pangalan ngunit lahat naman ng mga panahong sabay kaming nagsulat, naaalala ko pa, bawat guhit, bawat punto.

May kanya kanya tayong kwento, kanya kanyang mga kaibigan, kaIBIGan at kung ano ano pa. Hindi ba’t parang mga ballpen din sila; malaki, maliit, mumurahin, mahal, may tinta, putol o kahit ano pa man; sila pa rin ang mga nakasama nating isulat ang kwento ng ating buhay. Sana lang kahit wala na sila o madalas hindi na makasama, maalala nating kahit minsa’y may isang ballpen na kasama nating nagsulat ng kwento ng ating mga buhay.



Sa mga ballpen ng buhay ko, salamat. And I do really hope to write more stories with you.

5 comments:

  1. happy to be one of your ballpens.
    asahan mong marami ka pang maisusulat na kwento gamit ang isang ballpen na gaya ko.

    may pagkatopak man ako kung minsan,
    o di mahanap minsan,
    lagi mong tandaan na
    nasa pencil case mo ang ballpen na'to,
    laging nasa puso mo.

    <3

    ReplyDelete
  2. habang binabasa ko ito, naisip ko, paano ang mga lapis? sino ang lapis sa buhay natin..

    are they the ones na dumating at sinaktan tayo? sila ba yung dumating at iniwan tayo?
    sila ba yung dumating at nawala na lang ng bigla?

    sila ba yun?
    kaya ba may eraser sila?
    para sa taong nag susulat, malaman niya na kahit nawala sila, erasers will serve as reminders, that we can start again..

    just thinking aloud...

    ReplyDelete
  3. @ simlpiXIEty buti naman alam mo.
    hehehe. MWAh! :*

    @ yellowcab...
    bilang ako ang may gawa ng BLOG na yun,,,
    i think pencils are indeed the people that we tried to forget, tried to erase. mga taong sinaktan tayo, mga taong naging dahilan ng pagluha't pagtangis natin...

    pero, katulad ng lahat ng pansulat...
    sila din yung mga taong minsa'y nakasama nating gumuhit ng mga pangarap...
    nabura nga lng.

    ReplyDelete
  4. @ yellowcab: agree with the boss' idea of pencils.

    @ the boss: nabura man sila, still nag-iwan pa rin ng marka sa buhay mo, lao na kung masyadong madiin ang pakasulat ng mga lapis na yon. mahirap alisin ang mga bakas na iniwan nila.

    ReplyDelete
  5. oo na po.. nag clarify lang ako ah.. nagtanong lang..

    tama, pencils are markers din di ba.. so definitely, they will leave a mark sa atin.. pwedeng maganda, pwdeng hindi masyado..

    either way, marka pa din yun..

    like imprinting..

    ReplyDelete